-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Humihina na umano ang pwersa ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Marami na ang sumuko sa mga rebelde at natulungan ng gobyerno na magbagong buhay.
Wala nang suporta na natatanggap ang NPA sa mga residente kaya hirap sila ngayon sa kanilang kilusan.
Marami na anya sa mga NPA ang nagising sa mali nilang pinaglalaban kaya ito ay sumuko.
Wala na ring nare-recruit ang mga NPA lalo na sa mga kabataan dahil napasok na ng militar ang mga liblib na lugar sa probinsya sa kanilang support community program.
Nanawagan naman ang militar sa mga rebelde na sumuko na at magbagong buhay.