-- Advertisements --
Magbibigay ang Norway ng one billion euros bilang pondo para sa mga matatapang na mamamayan ng Ukraine.
Ito ang kinumpirma ni Norweigian Prime Minister Jonas Gahr Støre sa pakikiipagpulong niya ng personal kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sinab pa nito na kaya siya nagtungo sa Ukraine para ipakita ang kawanggawa ng kanilang bansa sa mamamayan ng Ukraine.
Ang nasabing pondo aniya ay magbibigay ng humanitarian aide at suporta sa defense and reconstruction effort sa Ukraine.
Pinasalamatan naman ni Zelensky ang lider ng Norway dahil sa tulong nito sa kaniya.










