-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nilinaw ng Office of the Civil Defense (OCG) regional office 8 na hindi aftershock kundi lindol ang naitalang pagyanig sa Northern Samar nitong Linggo.

Ayon kay Rayden Cabrigas, tagapagasalita ng OCD-8, wala namang naitalang danyos o aftershock ang 4.4-magnitude earthquake na yumanig kahapon sa bayan ng Pambujan.

Nitong Sabado nang yanigin din ng magnitude-5.0 na lindol ang ilang lugar sa Samar, Leyte at Tacloban.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang monitoring ng ahensya sa mga fault line area.

Nanawagan naman ang opisyal sa mga residente ng rehiyon na maging handa at makinig sa anunsyo ng mga otoridad kaugnay ng ano mang sakuna.