Dumanas din umano ng trangkaso ang kontrobersiyal na lider ng North Korea na si Kim Jong-un sa kasagsagan ng outbreak ng COVID-19.
Ginawa ni Kim Yo-jong ang pahayag kasunod na rin ng mga hinala na dinapuan din ng virus ang kanyang kapatid.
Kaugnay nito, sinisisi niya ang South Korea na nasa likod daw ng pagkalat ng outbreak ng COVID-19 sa North Korea na nagsimula noong buwan ng Mayo.
Ayon kay Kim nagpakalat daw kasi ng mga leaflets ang souht kroea sa kanilang doon na merong mga virus.
Dahil dito nagbanta sila na gaganti umano.
Ang ginawa raw ng south korea na papakalat ng virus ay maituturing na “crimes against humanity.”
Ang naturang alegasyon ay mariin namang itinanggi ng South Korea.
Samantala ipinagmalaki naman ng gobyerno ng North korea na nagtagumpay sila sa giyera laban sa COVID-19.