Nagpasabog ng short-range ballistic missiles ang North Korea sa Eastern Waters nito.
Ito ay sa gitna ng pagbisita ni United States Secretary of State Antony Blinken sa South Korea kung saan pinangunahan nito ang pagbubukas ng democracy summit sa bansa.
Kinumpirma rin ng Japan Coast Guard ang mga pagsabog.
Matatandaan na kinondena ng North Korea ang isinagawang Freedom Shield joint military drills ng US at South Korea nitong buwan kung saan tinawag nila itong “rehearsals for an invasion.”
Ang naturang military drills ay dinaluhan ng 27-K na mga US soldiers sa South Korea.
Ang ikatlong Summit for Democracy sa South Korea ay naka-sentro sa temang “Democracy for Future Generations” at kung papaano naaapektuhan ng misinformation, artificial intelligence, at deepfakes ang demokrasya.
Ito ang kauna-unahang beses na ginanap ang summit sa labas ng Amerika.