-- Advertisements --
Naging matagumpay ang pagpaplipad ng North Korea ng kanilang hypersonic missile.
Ayon sa state media na KCNA na isang uri ng intermediate-range ballistic missiles ang pinalipad ng North Korea sa dagat.
Mismong si North Korean leader Kim Jong Un ang nag-supervise sa nasabing missile launching.
Kinondina naman ng South Korea, Japan at US ang ginawang panibagong missile launch na ito ng North Korea.