Muling nagpalipad ng ballistic missile ang North Korea patungo sa katubigang sakop ng dagat ng Japan ngayong araw.
Ito ay isinagawa ng North Korea isang araw matapos ang pagsisimula ng large-scale military exercise ng South Korea at United States na layuning mas palakasin pa ang response capabilities ng mga military ng dalawang bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ng South Korean military na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa nilang kinukumpirma kung saang lugar mismo pinalipad ng North Korea ang naturang missile at kung gaano kalayo ang distansyang naabot nito, at gayundin kung mayroong iba pang missiles ang kanilang pinalipad.
Samantala, kaugnay nito ay sinabi naman ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na hanggang sa ngayon ay wala pa naman siyang natatanggap na anumang ulat ng pinsalang tinamo ng Japan hinggil sa naturang hakbang.
Kung maaalala, nitong nakaraang Huwebes ay nagpaputok din ang North Korea ng isang short-range ballistic missile mula sa western city ng Nampo patungo sa Yellow Sea, habang nitong Linggo naman ay isang submarine-launched strategic cruise missile naman ang kanilang pinaputok sa may easter coast ng nasabing bansa.