-- Advertisements --
Sinisi pa ngayon ng North Korea ang ginagawang military drill ng US sa South Korea kaya patuloy ang kanilang ginagawang pagpapakawala ng mga ballistic missiles.
Ayon sa Korean Central News Agency na aabot sa 80 missiles ang pinakawalan ng North Korea mula Nobyembre 2 at 5.
Nagsagawa din sila ng air force drills na kinakasangkutan ng 500 fighter jets para maipakita ang kanilang kahandaan na tapatan ang mga kalaban.
Inilunsad aniya nila ang missile test na target ang mga air bases ng kanilang kalaban.