-- Advertisements --

Nakatakda umanong magpunta ng Beijing ang isang delegasyon mula North Korea para talakayin ang food supplies at trade issues sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito’y matapos pagbawalan ng North Korea ang lahat ng air at rail transportation na manggagaling sa China para iwasan ang lalong pagkalat ng coronavirus.

Ayon sa custom authorities ng China, bumagsak noong Marso ang trade sa pagitan ng dalawang bansa ng halos 90%.

Ang nasabing pagbisita ng North Korean delegation ay wala raw koneksyon sa kalagayan ni North Korean leader Kim Jong Un.

Sa kabila naman nang paninindigan ng Pyongyang na walang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa ay nagpadala pa rin ang China ng virus testing kits dit