Pinawalang sala ng Pasig Regional Trial Court Branch 157 sa kasong tax evasion na kinakaharap ni Nobel Peace Prize awardee Maria Ressa, at maging sa news outlet nito na Rappler Holdings Corporations
Ito ay matapos ang isinagawang promulgation sa naturang korte kaugnay sa mga inihaing kaso laban sa kaniya nang dahil sa kabiguan nitong ideklara ang kanilang tax noong taong 2015.
Ayon sa abogado ni Ressa na si Atty. Francis Lim, pinawalang sala ng Pasig Regional Trial Court Branch 157 si Ressa at ang Rappler Holdings Corporation sa violation of Section 255 ng National Internal Revenue Code.
Dahil dito ay acquitted na ngayon si Ressa at ang kumpanya nito sa lahat ng limang tax evasion charges na inihain laban sa kaniya noong panahon ng dating administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung maaalala, nitong Enero lamang ay pinawalang sala rin ng Court of Tax Appeals si Ressa at ang kaniyang kumpanya mula sa apat na tax evasion charges na inihain laban sa kanila matapos na mabigo ang prosekusyon na patunayan ang kanilang pagkakasala