-- Advertisements --

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang batas na naglalayong hindi pagkalooban ng sahod ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa mga araw ito ay absent nang walang malinaw na paliwanag.

Saklaw sa panukala ang Pangulo, bise-Presidente, senador, congressman, mga halal na opisyal, cabinet secretaries at mga department heads.

Nakasaad din rito ang hindi pagbibigay ng mga allowances sa mga opisyal na absent na walang maayos na abiso sa pagliban. 

Ayon kay Senator Erwin Tulfo na sponsor ng panukalang batas, nakasanayan na umano ng mga matataas na opisyal na walang sumisita na sumasahod kahit absent. Nakakahiya aniya na mga ordinaryong manggagawa ng gobyerno na walang sahod pag absent. 

Binigyang-diin ng Senador na dapat pantay-pantay umano ang polisya sa no work, no pay. Ordinaryong manggagawa o maging matataas na opsiyal man. 

Kasunod nito, kinilalal ni Tulfo ang boluntaryong pagpapatigil ni Sen. Jinggoy Estrada sa kaniyang sahod noong arestuhin ito. 

Samantala, matatanadaan na naging sentro ng usapin ang no work, no pay dahil sa matahal na pagliban ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngunit patuloy na tumagtanggap ng kaniyang sahod.