-- Advertisements --
Hindi pa rin papayagan ang mga cruise ships sa Estados Unidos na muling maglayag sa karagatan.
Ito’y matapos palawigin ng Centers for Disease Control and Prevention ang “no sail order” na ipinatupad noong nakaraang buwan para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus.
Ipinag-utos din ng CDC sa bawat estados na huwag papayagan ang mga pasahero na sumakay sa cruise ships at bumalik sa kanilang sailing schedules hanggang sa tuluyan nang ma-expire ang deklarasyon ng state of emergency sa Amerika.
“The measures we are taking today to stop the spread of COVID-19 are necessary to protect Americans, and we will continue to provide critical public health guidance to the industry to limit the impacts of COVID-19,” saad ni CDC Director Robert Redfield.