-- Advertisements --

Umapela ng suporta mula sa kapwa nito mambabatas si Tutok To Win party-list Rep. Sam Versoza para i-institutionalize ang no homework police para sa mga estudyante.

Sa privilege speech ni Versoza sa isang plenary session, sinabi ng mambabatas na magbebenipisyo ang naturang hakbang sa 1.37 million estudyante edad 17 taong gulang pababa na kailangang magtrabaho para matustusan ang kanilang pag-aaral.

Ipinunto din ng mambabatas na maa makakatulong sa mga working studenta kung ang lahat ng kanilang dapat matutunan ay naituturo sa loob ng silid-aralan upang sa gayon ay mayroon na silang oras para makapagtrabaho tuwing uwian at weekends.

Iginiit din ni Versoza na bagamat overworked ang mga Pilipinong mag-aaral, nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa international assessments.

Aniya, batay sa resulta ng Programme for International Student Assessment, kapag lumagpas na sa 4 na oras bawat linggo ang paggawa ng homework ng mga estudyante anumang dagdag na oras para rito ay may negligible impact o insignificant effect sa performance o grado ng mga bata.

Maliban dito, nagiging pasanin din amg homework sa mga magulan na pagod at kailangang magpahinga pagkatapos ng kanilang trabaho.

Ilang mga magulang aniya ang kulang din sa edukasyon para tulungan ang kanilang anak sa kanilang pag-aaral.

Kayat isang dahilan aniya sa stress na pinagdadaanan ng estudyante ang kawalan ng indibidwal na gagabay sa kaniyang pag-aaral.

Nakakadagdag din aniya ng workload ng mga guro ang homework maliban pa sa mga tatapusing lesson plan, sandamakmak na reporta kinagabihan at dagdag pa dito ang pagcheck sa sangkatutak na assignment ng mga eatudyante.