-- Advertisements --
Naputol na ng NLEX Road Warriors ang apat na sunod na talo matapos talunin nila ang Blackwater Bossing 104-97 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
PInangunahan ni Robert Bolick ang NLEX na nagtala ng 30 points at 15 assists.
Hawak pa ng Blackwater ang kalamangan pagpasok ng third quarter subalit naging malakas ang NLEX sa last quarter.
Nasayang naman ang nagawang 27 points at pitong rebounds ni Chris Ortiz.