-- Advertisements --
Pinatabo ng NLEX Road Warriors ang Meralco Bolts 89-85 sa nagpapatuloy na PBA Season 50 Philippine Cup.
Dahil sa panalo ay parehas ng nasa unang puwesto ang NLEX kasama ang TNT, Magnolia, Rain or Shine at Converge na mayroong tatlong panalo at isang talo.
Nanguna sa panalo ng NLEX si JB Bahio na mayroong 16 points habang mayroong 11 points, 10 assists at walong rebounds naman si Robert Bolick.
Nasayang naman ang nagawang 24 points ni CJ Cansino para sa Bolts.
















