-- Advertisements --

Nalusutan ng NLEX ang Barangay Ginebra 89-86 sa kanilang paghaharap sa PBA 49th Season Philippine Cup.

Sa mga unang quarters ay dominado ng Ginebra ang laro kung saan pumalo pa sa 17 points ang naging kalamangan nila.

Hanggang naipasok ni Xyrus Torres ang mahalagang 3-pointer sa natitirang 48.2 segundo.

Bumida sa panalo ng NLEX si Robert Bolick na nagtala ng 28 points at apat na assists.

Pinuri naman ni NLEX coach Jong Uichico ang mga batang players nito dahil sa gumana ang depensa nila.