-- Advertisements --

May mga inilatag ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na alternatibong ruta sa mga manonood ng opening ceremony ng FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bulacan sa darating na Agosto 25.

Ayon sa NLEX na ang mga ticket holders ay inirerekomendang dumaan sa Ciudad de Victoria exit na dadaan sa RFID lane.

Inaasahan kasi nila na sa dami ng mga sasakyan ay tiyak ang pagsikip ng trapiko sa lugar.

Ilan sa mga alternatibong ruta pa anila ay ang Marilao, Bocaue o Tambumbong na magbibigay daan sa mga sasakyan na magtutungo sa Sta. Maria Bulacan.

Kasabay din nito ay ipinagbawal ang pagdaan ng mga truck na may gross weight na 4,500 kilos pataas mula alas-10 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi ng Agosto 25.

Nakakalat ang mga traffic personnel ng NLEX para tumulong na maayos ang daloy ng trapiko.