-- Advertisements --

Nananawagan ang National Kidney ang Transplant Institute (NKTI) sa mga nurses at medical technologist na magtrabaho sa kanila para mas maraming pasyente pa ang kanilang ma-accomodate.

Sa ngayon kasi, sinabi ni NKTI Executive Director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, na kinukulang na sila sa mga health workers na kayang magsagawa ng dialysis treatments.

Sinabi ni Liquete na naabot na ng NKTI ang full capacity nito dahil tinatanggihan ng ilang dialysis centers ang mga pasyente sa pangambang dulot ng COVID-19.

Ilang pasyente na aniya ang nagrereklamo na naantala ang kanilang dialysis treatments.

Pero umaapela nang pag-unawa si Liquete sapagkat para sa kaligtasan ng lahat ay kailangan nilang magsagawa ng decontamination process sa bawat pagkatapos ng isang dialysis session.