Matapos ang dalawang game sa NBA Finals 2023, nananatiling paborito ng mga sports analysts sa nba si Denver Nuggets center Nikola Jokic na mag-uwi sa Finals Most Valuable Player
.
Matatandaang sa unang game ay tinalo ng Nuggets ang Miami ngunit itinabla naman ito ng Heat sa 2nd game.
Sa likod ng kartadang 1 -1, nananatili pa rin si Jokic na may pinakamataas na probabilities na mag-uuwi sa pinakaaasam na Fnals MVP.
Sa unang game, nakapagtala si Jokic ng triple double na 27pts, 10 rebounds, at 14 assists habang kumamada naman ito ng 41 points 11 rebounds double-double sa game 2.
Ang dalawang nabanggit na performance ay kabilang sa mga nagpapatatag sa posisyon ni Jokic bilang MVP front runner.
Samantala, sunod kay Jokic na may mataas na posibilidad na mag-uwi sa Finals MVP ay si Jimmy Butler.
Sinusundan naman siya ni Bam Adebayo.
Nasa pang-apat na pwesto ang prolific guard ng Denver na si Jamal Murray, habang panglima si Gabe Vincent ng Miami










