SAN ANTONIO — Tumipa ng 29 points at 12 rebounds si Nikola Jokic, nagdagdag ng 24 points si Jamal Murray at tinalo ng Denver Nuggets ang San Antonio Spurs, 117-103.

Sa ngayon, tabla na ang dalawang koponan sa first-round series na may tig-dalawang panalo bawat isa.

Kumamada ng 24 poinst at siyam na rebounds si La Marcus Aldridge para sa San Antonio.

Nagdagdag naman ng 19 points si DeMar DeRozan bago pa man siya maalis sa court sa huling limang minuto ng laro matapos na makipagtalo sa isang official makaraang patawan siya ng offensive foul.

Nakatakda ang Game Five sa Miyerkules ng umaga (araw sa Pilipinas) sa Denver.

-- Advertisement --