-- Advertisements --

Dumepensa ang National Irrigation Administration (NIA) matapos sisihin ng mga residente ng Cagayan at Isabela ang Magat dam sa dinanas na baha kasabay ng pananalasa ni bagyong “Ulysses” sa Northern Luzon.

PRESS RELEASE: MAGAT DAM OPENS GATES DUE TO TYPHOON ULYSSES NIA Central Office – The National Irrigation…

Posted by National Irrigation Administration on Saturday, November 14, 2020

Ayon sa NIA-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), noong November 9 pa lang ay inabisuhan na nila ang mga residente ng dalawang lalawigan ukol sa inaasahang pagpapakawala ng tubig ng Magat reservoir.

“NIA-MARIIS officials have warned residents living near low-lying areas, particularly those adjacent to and along Magat River and Cagayan River to move to higher and safer places as the dam continues to release water starting November 9.”

Paliwanag ng ahensya, kinakailangang magpakawala ng tubig ng mga reservoir tulad ng sa Magat dahil maaapektuhan ang structural integrity nito kapag hinayaan nilang lumampas sa 193-mean sea level (msl) ang antas ng tubig nito.

“And may result to a catastrophe to nearby municipalities and more impact on a widespread flooding in Region II.”

Gustuhin man daw ng NIA na maagang magpakawala ng tubig ay nakaapekto naman ang limang magkakasunod na bagyong dumating at hindi na napigilan ang tuluyang pag-apaw ng dam.

Nagdulot tuloy ito ng pag-apaw din ng tubig sa Cagayan river, na siyang dahilan ng pagbaha sa mga kalapit na lugar.

“During this period, two (2) gates opened or an equivalent of four (4) meters were opened to reduce water containment at the Magat Reservoir. However, as water inflow from our Magat watersheds continually increases, additional gates must be gradually opened to maintain the safe level of the Magat Reservoir.”

Ipinaliwanag ng NIA na hind nagkulang ang kanilang hanay sa pagbibigay paalala sa publiko tungkol sa sitwasyon ng dam at inaasahang epekto nito sa kalapit na komunidad.

“Different mediums such as TV, radio, print, social media, emails, Short Message Service (SMS) and sirens are used to disseminate information of current situation of Magat Dam and its water releases.”

Sa ngayon, nasa 192.15-meters pa raw ang level ng antas ng tubig sa Magat dam at patuloy na nagpapakawala ng tubig sa sa isang bukas na gate.

“Which is 0.85 meters close to its spilling level of 193 meters above mean sea level as of 6:00 AM today, November 15, 2020. The reservoir inflow is at 1,020 cubic meters per second (cms) and outflow at 834 cubic meters per second (cms) with one (1) spillway gate opened at two (2) meters.”