-- Advertisements --

Inimbitahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang publiko na makibahagi sa selebrasyon ng ika-161st birth anniversary ng national hero Dr Jose Rizal bukas, araw ng Linggo.

Ayon sa abiso ng NHCP, magkakaroon ng ilang seremonyas sa Museo ni Rizal sa Calamba, Laguna, sa NHCP Museo ni Jose Rizal sa Dapitan, NHCP Museo ni Jose Rizal sa Fort Santiago at sa Rizal Park sa Laguna.