-- Advertisements --
Patuloy pa lumalaban sa iba’t-ibang hamon ang mga guro sa bansa.
Sa pagsisimula ng Teachers Month ngayong Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 sinabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na nararapat na tugunan ng gobyerno ang mga hinaing ng maraming guro.
Bukod kasi sa nagdaang pandemiya ay tuloy pa rin ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro andiyan ang mababang pasahod at iba pa.
Dagdag pa ng mambabatas na mula pa noon pa ay laging nahuhuli ang mga guro na nabibigyan ng prioridad ng gobyerno.