-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang pagbibili ng National Food Authority (NFA) ng mga palay sa mga local farmers.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mobile procurement at Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU).
Lahat ng mga NFA sa iba’t-ibang probinsiya ay hinikayat na tumugon sa nasabing programa.
Sa ilalim aniya ng programa ay kasama nila ang LGU na papasok sa marketing agreement sa NFA na magbibigay ng mataas na halaga na idadagdag sa mga kasalukuyang buying price ng mga palay.