-- Advertisements --

Nagmatigas si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa paglusob sa Gaza.

Sinabi nito na walang pakakapigil sa kaniya para itigil ang pagsawata sa mga Hamas militants.

Dagdag pa nito na kahit nagbitiw na si Israeli war cabinet member Benny Gantz ay nangangahulugan na aabandonahin na nito ang giyera.

Giit ni Netanyahu na dumedepende ang kinabukasan ng Israel kapag sila ay nagtagumpay sa laban.

Magugunitang nagbitiw si Gantz dahil sa hindi na nito masikmura ang mga dumaraming inosente na nasasawi sa giyera ng Israel sa Gaza.