-- Advertisements --
Tinawag na fake news ng film producer Neil Arce na hiwalay na sila ng asawang si Angel Locsin.
Sa kaniyang social media sinabi nito na donasyon na nila sa mga nagpapakalat ng balita ang kikitain ng nasabing balita.
Reaksyon ito ni Arce sa lumabas sa social media na nagsabing hiwalay na ang dalawa.
Magugunitang maraming mga fans ng actress ang nagtaka dahil sa hindi na nito pagiging aktibo nito sa social media na huling post nito ay noong Agosto pa.