-- Advertisements --
Covid coronavirus Italy OFW 1

KORONADAL CITY – Mas dumarami pang negosyo ng ilang Chinese nationals na nagsasarado dahil sa nararanasang racial discrimination bunsod ng COVID-19.

Ayon kay Jetty Obianeta, 13 taon nang OFW sa nasabing bansa at tubong Sultan Kudarat, halos overreacting umano ang reaksyon ng mga Italyano kung mapag-uusapan ang hinggil sa virus dahil sa tuwing may nakikitang Chinese o kahit Chinese looking na mga indibidwal sa mga pamilihan ay agad na lamang nila itong sinasaktan.

Dahil dito, hindi na nagbubukas ang negosyo ng mga Chinese nationals dahil sa takot na masaktan.

OFW jetty Italy

Halos nasa 80 hanggang 90 porsyento rin umano ang binagsak ng nasabing Chinese simula nang kumalat ang coronavirus.

Sa ngayon, kahit silang mga Pilipino ay nababahala rin lalo na’t kahit mga kababayan nating mukhang Instik ay sinasaktan ng mga Italyano.