BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng mga tauhan ng Butuan City Police Station ang naganap na pamamaril pasado alas-7:45 kagabi na nagresulta sa pagkamatay ng isang negosyante.
Nakilala ang biktimang si Rey Seclon Espenido, 48-anyos, may-asawa at residente ng Purok-4, Brgy. Tungao, nitong lungsod ng Butuan habang ang dalawang mga riding-in-tandem suspects ay patuloy pang sinubaybayan upang makilala at mahuli nang mapanagot sa ginawa nilang kremin.
Ayon sa imbestigador na si PSSgt Eric Calderon, magsasara na sana ng kanyang tindahan ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek at sabay binaril ang biktima gamit ang di pa malamang kalibre ng pistola sabay takas sa di mlamang direksyon.
Kaagad na dinala ito sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.