-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mahaharap sa patong-patong na kaso ang isang babae matapos na mapag-alamang nagbebenta ng overpriced alcohol sa Brgy. Calzada, Ligao City.

Kinilala ang suspek na si Rowena Rivera, 32 na residente ng naturang barangay.

Sa impormasyon mula sa Albay Police Provincial Office, positibong nakumpirma sa isinagawang entrapment operation ang pagbebenta ni Rivera ng mahal na alcohol.

Pinagbilhan umano nito sa halagang P120 ang poseur buyer para sa 500mL na alcohol subalit nasa P99.57 lamang ang idinidiktang suggested retail price ng bawat bote batay sa itinatakdang presyo ng Department of Health (DOH).

Kasamang nakumpiska sa operasyon ang 30 bote ng tigpa-500mL na 70% alcohol.

Binubuo naman ng pinag-isang pwersa ng PNP CIDG Albay, Ligao City Police Station, Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga operatiba.

Kabilang sa mga kasong kakaharapin nito ang paglabag sa Price Act (RA 10623), Bayanihan to Heal as One Act (RA 11469) at Consumer Act of the Philippines (RA 7394).