-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Isang negosyante sa lalawigan ng Aklan ang nagpa-imprinta ng kanyang vaccination card at certificate sa kanyang puting t-shirt.

Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Silver Cordero, isang online seller na ginawa niya ito upang hindi na maabala sa maya’t mayang paglalabas ng vaccination card sa mga establisyimientong naghahanap nito bago makapasok.

Naisip umano niya ang naturang ideya makaraang magpatupad ng “no vax, no entry” policy ang ilang establisyimiento batay sa ipinalabas na Executive Order ni Aklan governor Florencio Miraflores.

Dagdag pa nito na balak rin niya na muling magpa-imprinta ng isa pa sa oras na matanggap na ang booster shot laban sa COVID-19.

Nabatid na nag-viral ang litrato ni Cordero na umani ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizens.

Natuwa umano siya matapos na tinatanggap naman ng mga pinapasukang mga establisyimiento ang kanyang vaccination card na naka-imprinta sa kanyang sulot na damit.