-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang negosyante nang tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Esmail Raja Alam Asnor, 23 anyos, may asawa, buy and sell trader at residente ng Kidapawan City.

Sugatan naman ang target sa pamamaril na si Nasrudin Usman Guiamadin,27 anyos,may asawa, magsasaka at residente ng Barangay Bualan Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na habang bumibili ng underwear si Guiamadin kasama ang kanyang asawa sa loob ng public market sa bayan ng Pikit Cotabato ay na lamang itong pinagbabaril ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa labas ng palengke.

Tinamaan si Guiamadin sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang nasapol din ng bala sa dibdib ang negosyante na nakaupo lamang sa harap ng tindahan.

Ang mga sugatan ay agad dinala sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian ng buhay si Asnor habang nasa kritikal na kondisyon si Guiamadin.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.