NAGA CITY – Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Eduardo De Chavez Raymundo, 62-anyos, residente ng Buncayo Subdivision, Brgy Pahinga Norte sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang nasa loob ng under construction eatery ang biktima ng bigla na lamang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit tuluyan na rin itong binawian ng buhay.
Samantala, narekober rin sa pinangyarihan ng krimen ang apat na fired cartridge cases at dalawang deformed slug.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtuloy sa posibleng pagkakakilanlan at kalagayan ng suspek.