-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang negosyante matapos kitilin ang sariling buhay sa Catanauan, Quezon.

Kinilala nag biktima na si Rene Amoranto Macalalad, 37-anyos, residente ng Brgy. Tagbacan
Ibaba, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakarinig na lang nang putok ng baril ang asawa ng biktima at dito na nakita si Macalalad na duguan at nakahandusay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na dahil sa natagpuan nang asawa ng biktima, agad itong humingi ng tulong upang dalhin sa ospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad, ito rin ay binawian ng buhay dahil sa tama nang bala ng baril sa ulo nito.

Napag-alam rin na dumaranas ng depresyon si Macalalad dahil sa problema sa pamilya at negosyo na posibleng dahilan ng pagpakamatay nito.

Samantala, narekober rin sa pinangyarihan ng insidente ang isang handgun na caliber .45 na baril, isang magazine at isang empty fired cartridge case.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.