Muling kinilala ng National Economic and Development Authority ang papel ng mga babae sa labor force ng bansa.
Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na kanilang palakasin ito, kasabay ng pagdiriwang ng sambayanang Pilipino sa National Women’s Month.
Sa isang pahayag, sinabi ng National Economic and Development Authority ang tema ng National Women’s Month ngayong taon ay “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!,”
Aniya, layunin nitong pagtibayin ang mga ginagampanang papel ng mga kababaihan sa Pilipinas partikular na sa paglago ng ekonomiya.
Ito ay sa ilalim pa rin ng Bagong Pilipinas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay naman sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028, target ng gobyerno ng Pilipinas na lalo pang pagtibayin ang bilang ng mga babae sa labor force ng bansa.
Ito ay mula sa 51.7 percent noong 2023 at target itong paabutin sa 54 percent sa 2028.
Possible aniya ito sa pamamagitan ng mas maraming oportunidad sa mga kababaihan pati na ang mga pagtugon sa mga usapin ng gender bias at gender stereotypes sa Pilipinas.