-- Advertisements --
Binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi maaaring ikumpara ang trade at economic performance ng Pilipinas sa iba pang mga bansang apektado rin ng COVID pandemic.
Ayon kay, NEDA Usec. Rosemarie Edillon, magkaka-iba ng pamamaraan para muling mapasigla ang kalakalan, production operations at iba pa.
May konsiderasyon din umano sa pagtugon ng isang bansa at ng kanilang trading partners sa kasalukuyang sitwasyon.
Ang pagbilis o pagbagal ng kalakalan ay indikasyon lamang ng ilang adjustment, bagay na magandang palatandaan ng economic activity.
Sa kabuuan, nakakita aniya ang mga ekonomista ng recovery sa manufacturing sector na pangunahing bahagi para makabawi mula sa economic crisis.