VIGAN CITY – Hiniling ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ipaliwanag ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mga alkalde sa lalawigan ng Batangas kung anu-anong mga lugar ang sakop sa tinatawag na danger zone dahil sa phreatic eruption ng Taal volcano.
Ito ang kinumpirma ni NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan.
Sinabi ni Jalad na ang nasabing hakbang ay upang maiwasan ang kalituhan sa publiko at upang maiwasan na rin ang pag-panic kung sakali mang magkaroon ng pangalawa at mas malalang pagsabog ang nasabing bulkan.
Maliban pa rito, hinimok din ng opisyal ang kanilang mga local counterparts sa nasabing lalawigan na ipaliwanag din ang pagpapatupad ng pre-emptive hanggang sa forced evacuation sa mga alkalde.
Iminungkahi rin nito na makakatulong din sa ang pamimigay ng mga miyembro ng PDRRMC ng hazard maps sa mga LGU officials at detalyadong ipaliwanag sa kanila ang mga posibleng banta at kung gaano kadelikado kung magkakaroon ng matinding pagsabog ang Taal volcano.