Suportado ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang anumang hakbang na magpapalakas pa sa disaster response system sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng panukala ng ilang mambabatas na pagtatatag ng bagong departamento na Department of Disaster Resilience (DDE).
Sa positibong pananaw, sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na gumagana ang ahensiya at gingawa nito ang lahat ng makakaya para sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan.
Aniya, kung nais ng Pangulong Marcos na palakasin pa ito, buo ang kanilang suporta na ibibigay sa hakbang na ito.
Unang lumutang ang naturang hakbangin matapos na irekomenda ng kapatid ng Pangulong Bongbong Marcos na si Senator Imee Marcos ang planong paglikha ng bagong disaster response body na magiging attached agency sa ilalim ng Office of the President sa halip na lumikha ng bagong departamento na suportado naman ng pangulo.