-- Advertisements --
Naka-blue alert ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bago ang Traslacion sa Enero 9, 2024.
Ang blue alert ay nangangahulugan na ang operations center ng NDRRMC ay mahigpit na binabantayan ang kaganapan at nakikipag-ugnayan ito sa iba pang ahensya ng gobyerno na sangkot sa aktibidad.
Iniulat din ng Konseho na activated na ang incident management team ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang Manila incident management team ay susubaybay at tutugon sa mga emergency na magaganap sa panahon ng Traslacion.