Inamyendagan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang gudelines para sa disaster funds sa layong mapabilis ang rehabilitasyon ng imprastruktura sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Ito ay matapos na pagtibayin ang isang resolution sa emergency full council meeting na nagpapawalang bisa sa guidelines na nakapaloob sa NDRRMC Memorandum Circular No. 1 series of 2024, kung saan prayoridad ang 4th hanggang 6th Income class LGUs at nirerequire ang 1st hanggang 3rd Income Class para sa Local Counterpart Fund.
Ang local counterpart fund ay tumutukoy sa portion ng inaprubahang requested fund na kailangang i-shoulder ng lokal na pamahalaan depende sa kanilang income class.
Ang naturang pondo ay maaaring gamitin para sa pagkumpuni, pagtatayo o rehabilitasyon ng local o national infrastructure anuman ang kanilang income classification dahil mahalag ang mga ito para sa pagtugon sa mga rehiyong apektado ng kalamidad.
Gagamitin din ang pondo para sa relief, recovery , reconstruction at iba pang serbisyo may kaugnayan sa natural o human induced calamities.
Ginawa nga ang naturang resolution matapos ang nangyaring landslide noong Pebrero 6 sa mining village sa Davao de oro na kumitil na sa 71 katao.