-- Advertisements --

Pinapatanggal na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Edgar Allan Okubo ang lahat ng mga telebisyon sa lobby ng mga PNP stations.

Ito ang naging mahigpit na kautusan ni Okubo sa mga district at station commanders sa Metro Manila.

Sa nasabing hakbang ay mapagtutuunan na ng pansin ng mga kapulisan ang dumudulog sa kanilang opisina.

Nakarating kasi sa kaniyang opisina ang pagiging abala sa kakapanood ang mga kapulisan imbes na imbestigahan ang mga nagtutungo sa kanilang opisina.