-- Advertisements --

Nilinaw ng Naga City Police Office ang insidente ng umano’y pandurukot ng isang rider sa nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang na bata.

Ayon kay PSMSgt. Toby Bongon, ang tagapagsalita ng NCPO, ka-barangay umano ng rider ang mag-ina kung kaya’t nang madaanan ito sa may Barangay San Felipe malapit sa isang kilalang convenient store, nagmagandang loob an nasabing rider na pasakayin ang dalawa.

Pumayag naman umano ang ina at isinakay ang bata sa motor ng rider sa pag-aakala na maging ang ina ng bata ay nakasakay na agad naman nitong pinatakbo ang motor nito, ngunit nagtaka na lamang umano ang rider ng mapansin na ang bata lamang ang nakasakay sa motorsiklo.

Dagdag pa ng opisyal, binalikan pa umano ng rider ang ina sa kinaroroonan nito ngunit wala na ito sa lugar dahil nagreport na pala sa pulisya.

Doon na umano nagdesisyon ang rider na ihatid na lamang sa Barangay Hall ng San Felipe ang bata upang doon kuhanin ng kanyang ina.

Sa ngayon, magkasama na ang mag-ina at nasa pangangalaga na umano ng Bantay Pamilya ng DSWD.

Ayon pa kay Bongon, na ayon sa mga mga nakakakilala sa ina ng bata, mayroon umano itong personal na pinagdaraanan.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag basta-bastang maniniwala sa mga hindi pa beripikadong impormasyon.