Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa serye ng pambobombsa sa Mindanao.
Ito ay para matiyak ang pambansang seguridad gayundin para mapigilan ang posibleng malalaki pang pag-atake hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa.
Kaugnay nito, nagtungo na si NBI Officer-in-Charge Director Eric B. Distor, Deputy Director for Forensic Investigation Service (DDFIS) Ferdinand Lavin, at Deputy Director for Intelligence Service (DDIntS) Roel Bolivar sa mga lugar na itinuturing na “areas of concern” para sa imbestigasyon kasama ang NBI-Counter Terrorism Division (NBI-CTD).
Ayon sa NBI, nasa anim na bombing attacks na sa mga bus sa Mindanao ang naitala sa nakalipas na dalawang taon.
Habang ngayong taon apat ang naitalang pa,bobomba sa magkakahiwalay na lugar sa Mindanao.
Unang insidente ng pambobomba ngayong taon ay naitala sa Mindanao Star bus sa Aleosan, north Cotabato kung saan isang limang taong gulang na bata ang namatay at 3 ang nasugatan.
Sumunod naman noong april 24 sa loob ng Rural Tourd Bus sa Parang, Maguindanao kung saan tatlong katao ang nasugatan at noong May 26 kung saan dalawang sibilyan ang nadamay sa pambobomba sa Yellow Bus Line sa Koronadal city at ang pinakahuli nitong May 26 sa exit road sa Barangay calean Tacurong City sa Sultan Kudarat bagamat walang naitalang nasugatan sa insidente.
Nagsimula ang serye ng pambobomba noong January 7, 2021 sa Yellow Bus Line , Inc sa Koronadal city kung saan nakatanggap ang South Cotabato office ng tawag hinggil sa bomb threat at extortion demand.
Sumunod ang insidente ng pambobomba sa parehong bus noong January 27, 2021 kung saan isa ang naitalang namatay at apat katao ang nasugatan sa may Tulunan, North Cotabato habang sa pambobomba naman na nangyari noong June 3, 2021 sa may M’Lang, North Cotabato tatlong katao ang nasawi at anim ang nasugatan.
-- Advertisements --









