-- Advertisements --
Hawak na ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta ang report ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagkakaaresto ng isang retiradong huwes na sinasabing sangkot sa pagpatay sa isang huwes sa Zamboanga.
Ang nahuling suspek ay si retired Zamboanga del Norte Regional Trial Court (RTC) Judge Oscar Tomarong.
Sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez si Tomarong daw ang nag-utos sa pagpatay sa kanyang kasamahan na si Judge (Reymar) Lacaya na nakadestino sa RTC ng Liloy, Zamboanga.
Si Judge Tomarong ay dating agent ng NBI bago ang kanyang appointment bilang regional trial court judge.
Dagdag ni Marquez, ang suspek ay nag-early retirement kasunod ng pagpamatay kay Lacaya.