-- Advertisements --
20201117 183544

Patuloy umano ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpaslang sa abogadong si Atty. Eric Jay Magcamit sa Palawan.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kinumpirma raw mismo ni NBI-OIC Chief Eric Distor na nag-iimbestiga na ang NBI Puerto Princesa District Office (PUERDO) sa pagpaslang kay Magcamit sa Narra, Palawan kaninang umaga.

Ito ay sa pamamagitan ng regional operations services at lahat ng kanilang agents.

Nakaalerto na rin daw sa lugar ang kanilang assets.

Namatay ang naturang abogado matapos siyang tambangan ng dalawang hindi pa kilalang suspek.

Pinalabas daw ito sa kanyang sasakyan saka pinagbabaril na sanhi ng kanyang agarang pagpanaw.

Mariin namang kinundena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Palawan ang pagpatay sa abogado.

Biinigyang diin ng IBP na ang insidente ay pag-atake sa legal order at justice system.