-- Advertisements --

Ipinag-utos na rin ng Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang malalimang imbestigasyon sa pagbaril-patay kay Atty. Anthony Trinidad sa national highway sa Guihulngan, Negros Oriental.

Mahigpit ang bilin ni Justice. Sec. Menardo Guevarra na nagsagawa agad ang NBI ng parallel investigation para mahuli ang pumatay sa abogado.

Wala umanong ibang instructions si Guevarra sa NBI kundi tugisin ang mga nasa likod ng insidente.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dalawang gunmen na nakasakay sa motorsiklo ang bumaril sa abogado.

Una rito, nakatatanggap na raw ng banta sa buhay si Trinidad bago ito pagbabarilin matapos akusahang supporter ng New People’s Army (NPA).