-- Advertisements --

Bumuo ang National Bureau of Investigation (NBI) ng isang special team para sa malalimang imbestigasyon sa kwestyonableng pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, inatasan na niya si NBI Director Medardo De Lemos para iprayoridad ang naturang imbestigasyon.

Napag-alaman din umano ni Remulla mula sa isangtestigo na ang pagkamatay ng high-profile inmatwes ay hindi dahil sa COVID-19 infection kundi napatay umano ang mga ito.

Ipinag-utos ni Remulla ang pagbuo ng special team ito sa kabila ng nauna ng paghahain ng criminal complaints ng NBI kasama ng DOJ laban sa 22 tauhan ng the Philippine National Police’s National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa pagkamatay ng nasa walong high profile inmates.

Paliwanag naman ni Remulla na nagsagawa siya pagsisiyasat sa mga complaints kasama ang iba pang undersecretaries ng ahensiya subalit hindi aniya sapat ang ebidensiya para makapag-build ng kaso para sa conviction.