Bigong makapasok sa Playoffs ngayong season ang Dallas Mavericks matapos silang talunin ng Chicago Bulls sa score na 112 – 115.
Sa naging laro kasi, kumamada ng double-double ang big man ng Bulls na si Nickola Vucevic na may 20 pts at 10 rebounds, na sinamahan ng kanilang guard na si Coby White ng 24 pts at 11 assissts.
Hindi pinaporma ng Bulls ang Dallas superstar na si Luca Doncic na umabot lamang sa 13 pts 5 rebounds.
Ang 13 pts ni Doncic ang siyang pinakamataas na naging score sa lahat ng Dallas players.
Dahil sa naging talo, hindi na makakapaglaro pa ang Dallas Mavericks sa inaabangang Playoffs habang ang Bulls ay pangsampu na sa Eastern Conference, at pasok sa Play-in Tournament na may win-loss record na 38-42.
Matatandaang ang Mavericks ang nakaharap ng Warriors nitong nakalipas na Season sa Wertern Conference Finals, matapos talunin noon ng Mavericks ang Phoenix Suns. (Bombo Genesis Racho)