Ngayon pa lamang excited na umano ang ilang mga NBA teams dahil simula na ngayong Huwebes ang kanilang mga exhibition games sa Disney World campus sa Orlando, Florida.
Ang team scrimmages ay magaganap sa unang pagkakataon makalipas ang halos limang buwan mula nang ipatupad ang lockdown bunsod ng COVID pandemic.
Ang NBA restart ay sa July 30 na at binansagan itong “Whole New Game.”
Maagang pinuri ni LA Clippers coach Doc Rivers ang mga opisyal ng liga dahil ginagawa nila ang lahat upang maging ligtas ang 22 mga teams sa pagkahawa sa coronavirus.
Sinabi naman ni Denver center Nikola Jokic, hindi pa naman niya nakikita ang arena kung saan sila maglalaro pero ang sinabi lamang ng presidente ng team na si Tim Connelly ay talagang maganda ang lugar.
Para naman kay Clippers forward Kawhi Leonard, ang kanyang diskarte lamang sa ngayon ay “one game at a time” at titingnan niya ang kalalabasan ng exhibition games.