-- Advertisements --

Nanindigan si dating NBA star Yao Ming na buo pa rin ang suporta nito sa national basketball team ng China.

Kasunod ito sa maraming batikos na natanggap ang ilang Chinese players dahil sa nakakadismayang resulta ng mga nagdaang torneo.

Isa kasi ang basketball pinakasikat sa China subalit maraming mga fans nila ang nadismaya sa mga mahinang performance ng mga manlalaro.

Isa na dito ay ang pagkatalo nila sa Pilipinas sa semifinals ng Asian Games na ang host pa ay China noong nakaraang buwan.

Kahit na tinalo ng China ang Taiwan para makuha ang bronze medalya ay ikinonsidera ng mga fans nila na ito ay kabiguan.

Nagtapos din ang China bilang pang-29 sa 32 teams ng World Cup at hindi sila kabilang sa Paris Olympics.

Sinabi ng eight-time NBA All-Star at pangulo ng Chinese Basketball Association na buo pa rin ang suporta niya sa manlalaro ng kanilang bansa.

Handa nilang harapin ang anumang resulta at mga batikos na ibinabato at nangakong gagalingan na lamang nila ang laro sa susunod na mga torneo.