-- Advertisements --
Inanunsiyo ni NBA star Dwight Howard na maglalaro siya sa professional basketball leagues ng Taiwan.
Sa kaniyang social media account, sinabi ng 37-anyos na si Howard na pumirma ito ng kontrata sa Taoyuan Leopards.
Labis itong nasasabik at hindi na mahintay na makapaglaro sa nasabing liga.
Huling naglaro ito sa Los Angeles Lakers noong nakaraang season ang eight-time NBA All-Star at three-time Defensive Player of the Year.
Mayroon itong average na 6.2 points at 5.7 rebounds.